Trabaho pa or Magnenegosyo na?
Ang dami mong problema sa trabaho kaya ngayon Gusto mo na mag quit at magnegosyo para:
- Maging sarili mong boss.
- Magkaron ng time freedom.
- Mas mabilis Yumaman.
Mga dahilan kaya gusto mo nang mag negosyo?
- Ayaw mo sa trabaho mo. Di mo naeenjoy.
- Galit ka sa boss mo.
- May kaaway ka sa trabaho mo.
- Mayaman na yung kaibigan mong nagnenegosyo.
Pwedeng sapat na dahilan na yan para MAG QUIT ka sa trabaho, pero kung yan din ang dahilan mo para mag simumla ng negosyo? Parang masyadong mababaw.
Madalas kong nakikita na ginagamit ng ibang mga tao yang mga statement like “be your own boss”, “Walang yumayaman sa pag eempleyado”, “sa negosyo yayaman ka” ng mga taong gusto kang huthutan ng pera. Kaya ngayon ang daming nagiisip maging entrepreneur para lang yumaman kasi akala nila sing dali lang ngpag type sa social media status mo ang pagiging entrepreneur.
Hindi ko kayo dinidiscourage mga bords orayt? pero, Gusto ko lang ipaliwanag sa inyo na hindi basta basta ang pag nenegosyo. Kaya kung may trabaho ka ngayon at gusto mo talaga mag negosyo, eh hinayhinay ka lang dyan pakinggan mo muna yung mga masaabi ko then saka ka mag decide.
Delikado kasi yung advice nung ibang “BUSINESS GURU” na napanuod ko dito sa YouTube. Mag resign na daw agad agad para makapag simula na. Kumbaga eh, nagquit ka na saka mo pa lang aalamin kung anong negosyo ang gagawin mo. Pwede mong gawin yan kung mayaman ka. Pero kung hindi eto ang masasabi ko:
- Gauge your situation.
- Sinong naka depende sa iyo?
- Can you survive without income for the next months?
- Kung maganda ang sweldo ng trabaho mog ngayon, try to save for 6 months or a year worth of expenses.
- Study yourself.
- Do you have the right reasons para mag negosyo?
- May experience ka ba sa paghawak ng pera, ng tao, ng produkto?
- Asses mo, Paano mo hinahawan ang pansariling pera na kinikita mo ngayon sa trabaho mo? Nakakapag save ka ba, may control ka ba sa pera o waldas ka? Pagkasweldo hala sigi gasta.
- Meron ka bang traits, attitude, and work ethic ng isang negosyante?
- Sa negosyo, walang boss. Kaya walang mag uutos sayo. Walang magbibigay sayo ng trabaho. Walang magsasabi sayo ng mga mali mo. Customers ka kaagad nyan.
- This topic alone ay pwede nating pagusapan sa mga susunod na videos. If you want na gumawa tayo ng video about that eh hit the light button and comment nyo dyan sa baba. “let’s talk about it Chicoi”
- Do you have the answers to: Why, what, who, how, where of the business?
- In short, alam mo na ba kung anong negosyo ang gagawin mo?
Tandaan nyo mga bords, Hindi porke nag negosyo ka ay darating kaagad ang financial success. Hindi porke nakabenta ka ng isang beses ay makakabenta ka na rin ng isang daang beses. Mas mahhirap pa rin na imaintain ang benta mo sa loob ng ilang taon. Basta para sa akin, Ang pagnenegosyo ay dapat pinaghahandaan. At kung may trabaho ka ngayon, eh magandang starting point yan. Kasi meron ka nung tinatawag na enabling job.
Panuurin mo yung video ni Kasosyong Arvin orubia tungkol dyan. Sabi nga nya,
Ang negosyo ay hindi paraan para tumakas sa pagtatrabaho. Kasi sa negosyo magtatrabaho ka pa rin.
At agring agree ako dyan. Lalo na sa umpisa? Baka 14 hours a day sayo kulang pa.
Ang entrepreneurship hindi yan puro pasarap. Hindi totoo na kapag nag negosyo ka eh you’ll “Be your own boss”. Kung sa trabaho meron kang isa or dalawang boss. Sa negosyo mas marami kang boss. Customers, empleyado, suppliers, partners, investors, lenders, land lords, at kung sino sino pa.
Anytime pwede ka mag trabaho. At kikita ka ng malaki.? Sana nga pwede yung anytime.
Maraming negosyo ang nalulugi sa mga unang taon nila. Kaya I’m giving you this challenge.
Gusto mo ba talaga mag negosyo? Gusto mo ba talaga maging entrepreneur?
This will be your first challenge mga bords. Lampasan mo muna yung Testing phase ng negosyong naisip mo habang nandyan ka sa trabaho mo. Kapag napaandar mo yon ng 6 months at kumikita ka na ng at least two times ng kita mo ngayon sa trabaho mo, then tingin ko pwede mo nang ifull time yan.