Arvin Orubia a genuine online Mentor

Dati, lagi akong nanunuod ng mga business related channels sa YouTube. Wala kasi akong mentor at tingin ko watching business related channels sa YouTube is a good way to learn more about doing business. Ang mga pinapanuod ko lang dati ay foreign business channels like Valuetainment by Patrick bet David, Gary V, Dan Lok, Neil Patel, Lewis howes, at kung sino sino pa.

Kakapanood ko ng mga business related channels xempre nainspire na rin ako mag start ng sarili kong channel. Kaso iniisip ko hindi pa naman ako successful ang dami ko pang kapalpakan. Kumbaga, hindi pa naman ako dumadaan sa maraming mga pagsubok sa pag nenegosyo kaya nag dadalawang isip ako kung mag vvlog ba ako o hindi about my entrepreneurship life.

At habang browse browse ako ng videos sa youTube back in 2018, dun lumabas sa feed ko yung video ni Arvin Orubia. Kung hindi ako nagkakamali, ang unang video na napanuod ko ay yung negosyong walang maliit ang puhunan. I think pinush sya bigla ni YouTube kaya dumaan xa sa algorithm ko.

So chineck ko and nakita ko na less than 1k pa lang subscriber nila.

First impressions ko.

  1. Sino tong nag sasalita about business na pinoy?
  2. Mukang bata. Literal na baby face marami na kaya tong alam sa business?
  3. 10 years na rin dawa nag nenegosyo at puro kapalpakan? Ayus yun ah. Kakaibang approach.
  4. Parang ako lang magsalita at ang likot mag kwento.
  5. Tapos nung natapos ko yung video. Pambihira hindi sinagot yung Title ng Video. Bagkus, binigyan pa ang viewers ng REAL GENIUNE TIP. REAL LIFE USEFUL TIP! Kumbaga, sinabi nya talaga kung PAANO ka maghahanap ng sarili mong negosyo. That’s more than what you could ask for! Onlye people with real life experience sa negosyo makakapag salita tulad nito.

Because of that nagsimula na akong mag ikot ikot sa channel nya. Nakita ko na totoong entrepreneur itong taong ito. At kahit wala pa syang subscribers nakikita ko na gusto nya talaga mag share.

Nainspire ako sa mga napanuod ko. Matagal ko narin kasing gusto mag vlog pero sabi ko nga hindi pa ako successful. Feeling ko requirement na maging successful ka muna bago ka magvlog about business. Tapos may makikita ako na ang intro eh “May sampung taon na ng kabiguan sa negosyo”. Awit! Ako nga that time eh 4 years pa lang officially sa pag nenegosyo. Ang dami ko pa talagang kabiguan na dapat pag daanan.

Tapos unti unti na rerealize ko na ang mission nya na magbigay ng libreng kaalaman sa mga pinoy. Naniniwala din xa sa paniniwala ko na tayong mga entrepreneur ang magsasalba sa bansang Pilipinas. At higit sa lahat, parati nyang itinataas si Lord sa lahat ng mga videos nya.

Sobrang kakaiba si Kasosyong Arvin Orubia! Nag sheshare sya ng walang kapalit. Hindi sya nagbebenta ng courses para lang pagkakitaan ang mga tao. Ginagawa nya yung pinangarap kong gawin dati. Nakita ko sa kanya yung totoong kagustuhan nya na makatulong sa mga kapwa nya pinoy through sharing his knowledge and experiences.

Sabi ko I need to do something to support him. Kaya nung magsimula ang Zoom meeting nakita ko na kailangan nya ng tulong kaya agad agad ako nag prisinta na maging moderator nya. Libre ang walang bayad. Dahil iisa ang pangarap namin. At dahil dyan, susupportahan ko talaga sya para matupad ang misyon nya para sa mga kapwa namin entrepreneur!

Si Kasosyong Arvin ang tumulong sakin para sawakas ay mag desisyon nang gawin itong vlog ko na ito entrep diaries. Ngayon imbis na ang ishare ko lang ay mga katagumpayan sa negosyo, ay ipapakita ko sa mga kapwa ko entrepreneur ang katotohanan sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang totong journey through ups and downs and sana maging inspirasyon din sa mga kapwa ko Pilino.